Martes, Pebrero 2, 2016

Mga estruktura ng pamilihan

Mga Estruktura ng Pamilihan

A.      Ganap na kompetisyon – ang mga produkto sa loob ng pamilihan na mau ganap na kompetisyon ay magkakatulad tulad ng mga produkto na nakikita sa mga palengke. Walang pagkakalinlanlan kung sino ang nagprodyus ng isang produktong agricultural, tulad ng bigas, mais, gulay, isda, itlog, asin, at iba pa.
B.      Di- ganap na kompetisyon -  ang di- pag-iral ng mga mahalagang katangian ng ganap na kompetisyon ang magbibigay daan sa pamilihan na may di-ganap na kompetisyon.
a.       Monopolyo - Ito ay isang estruktura ng pamilihan na iisa ang nagbibili ng produkto; ibig sabihin nito ay may isang prodyuser ang kumokontrol ng malaking porsyento ng suplay ng produkto sa pamilihan.
b.      Monopsonyo – ito ang estruktura ng pamilihan na kabaliktaran ng monopoly. Sa pagkakataong ito, mayroon lamang isang konsyumer ng produkto. Marami ang maaaring lumikha ng produkto at serbisyo ngunit iisa lamang ang konsyumer sa pamilihan.
C.      Monopolistikong kompetisyon -  matuturing na monopolista ang mga prodyuser ng sariling produkto sapagkat may kakayahan ang mga prodyuser na itakda ang presyo ng kanilang produkto batay sa gastusing pamproduksiyon ng kanilang negosyo. Ang presyo na kanilang itinakda ay magbibigay sa kanila ng malaking tubo. Upang maging mabili ang kanilang mga produkto ay gumagamit ang mga prodyuser ng mga pag-aanunsyo at mga promotional gimmicks para makaakit ng mga konsyumer.
D.      Oligopolyo – ito ang estruktura ng pamilihan na kakaunti lamang ang prodyuser. Halos magkakapareho ang produkto at serbisyo na ipinagbibili. Ang mga ito ay nakikilala sa kanilang “brand names”. Ang ilan sa mga uri ng produkto sa estrikturang ito ay gasoline, kotse, ilaw, bakal, appliances, at iba pa. Sa oligopolyo ay mahalaga na ginagampanan ng pag-aanunsyo upang makilala ang mga produkto.




Konsepto ng Supply

Supply – ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na handa at nais ipagbili sa iba’t ibang lebel ng negosyo sa isang takdang panahon.

Supply Function – ito ay ang mathematical equation na naglalarawan sa ugnayaan ng Presyo (P)- ang independent variable, at ang Quantity Supplied (Qs)- ang dependent variable.

Batas ng supply
·         Ang batas na ito ay nagsasaad na habang ang presyo ng produkto ay tumataas, maraming ang handing ipagbili ng prodyuser, habang ang ibang salik ay hindi nagbabago.
·         Sa nasabing batas, ang presyo lamang ang nakakaapekto sa supply. Ito ay naglalrawan ng tuwirang relasyon ng Qs at presyo.

Supply Schadule – isang talahayan na nagpapakita ng dami ng produkto na handa at kayang ipagbili ng prodyuser sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon.

Supply Curve - isang grapikong paglalarawan ng tuwirang relasyon ng presyo  at dami ng produktong handing ipagbili ng prodyuser. Ang graph ay binubuo ng dalawang axis, ang horizontal (x) at vertical (y) axes. Ang presyo ay sa Y axis at and Qs ay sa X axis.

Mga Salik na Nakakaapekto sa supply
1.       Dami ng nagtitinda
2.       Subsidy
3.       Teknolohiya
4.       Panahon/Klima
5.       Ekspektasyon
6.       Presyo ng alternatibong produkto

7.       Presyo ng mga salik ng produksyon

Konsepto ng Demand

Konsepto ng Demand

Demand -  Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na kaya at handing bilhin ng mga consumer sa alternatibing presyo sa isnag takdang panahon. Ang presyo ay may malaking impluwensya sa pagtatakda ng demand ng mga konsyumer. Ito ang pangunahing salik na nakapagpapabago ng demand ng mga konsyumer. Ang demand ay maitatakda kung ang konsyumer ay may kakayahang at kagustuhan na bilhin ang isang produkto at serbisyo. Ito ay kailangan na umiral ng saby upang maitakda nag deman ng konsyumer na siyang pangunahing actor sa konseptong ito.
Demand Function – Sa pamamagitan ng mathematical equation ay maipapahayag ang ugnayan ng presyo at demand. Ito ang nagpapakita ng ugnayan ng dalawang variables: Qd – Quantity Demand. Ang demand function ay nagpapakita ng relasyon ng demand at presyo na sinasabing di-tuwiran. Sa pamamagitan ng mathematical equation ay maipapakita ang ugnayan ng demand at presyo.
Batas ng Demand (Law of Demand)
·         Kapag ang presyo ng produkto ay tumataas, kakaunti ang bibilhing produkto ng konsyumer.
·         Ngunit, kapag ang presyo ay bumababa, maraming produkto ang bibilhin ng konsyumer habang ang ibang salik ay hindi nagbabago

Sa nasabing batas, ang presyo lamang ang nakakaapekto sa demand. Ito ay naglalarawan ng di-tuwirang relsyon ng Qd at Presyo.

 Demand Schadule – isang talahayan na nagpapakita ng dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng konsyumer sa laternatibong presyo sa isang takdang panahon.

Demand Curve – isang grapikong paglalarawan ng di-tuwirang relasyon at dami ng bilihing produkto. Ang graph ay binubuo ng dalawang axis, ang horizontal (x) at vertical (y) axes. Ang presyo ay sa Y axis at and Qd ay sa X axis.
Mga Salik na Nakakaapekto sa Demand
1.       Okasyon
2.       Populasyon/Bolang ng mamimili
3.       Expektasyon o inaasahan ng mamimili
4.       Panlasa / kagustuhan
5.       Presyo ng magkakaugnay na produkto
Substitute goods (Pamalit na produkto)
Complimentary goods (Magkaugnay n aprodukto)
6.       Kita
Normal Goods

Inferior Goods
Sistemang Ekonomiya - ito ay sumasaklaw sa mga estruktura, institusyon, at mga mekanismo na batayan sa pagsasagawa ng mga gawaing pamproduksyon upang sagutin ang mga pangunahing katanugnang pang-ekonomiya. walang perpektong sistema kaya ito ay maaaring baguhin ayon sa pangangailangan ng ekonomiya.

Mga Uri ng Sistemang Pang-ekonomiya
Sistemang Pang-ekonomiya
Ano ang gagawin?
Paano gagawin?
Para kanino ang gagawin?
Tradisyunal
Ayon sa kinagawian, tradisyon, at gampanin
Naayon sa tradisyon at kinagawian
Nakasentro sa tradisyon ng pamilya at mga tribo
Command
Pinagpapasyahan ng estado
Ayon sa estado
Ayon sa estado
Market
Pinagpapasyahan ng indibidwal ayon sa merkado
Ayon sa indibidwal
Ayon sa indibidwal


Komunismo - isang sistemang pang-ekonomiya (command) kung saan ang estado ang nagmamay-ari at kumukontrol sa yaman ng bansa at produksyon. Ang pagsagot sa mga suliraning pang-ekonomiya ay naayon sa planong pang-kabuhayan ng pamahalaan na isinasagawa ng isang central planning board.

"Classlesss society" - isang lipunan na walng uri, walang mayaman at mahirap. makakamit lamang ito kung magtatagumpay ang "ploretariat" o mga manggagawa sa pamamahala ng produksiyon.
Sa kasalukuyan, wala pang nakarating sa "full communism", ito ay dahil hindi parin nakakamit ang classless society.

Kapitalismo - isang sistemang pang-ekonomiya (market) na ang pagmamay-ari ng yaman at produksiyon ay nasa kamay ng mga indibidwal at pribadong sector.

Pyudalismo - ay may kinalaman sa pagmamay-ari ng lupa. Pinagkalooban ng lupa ang mga taong naglingkod sa feudal lord, ang tawag sa nagmamay-ari ng lupa. Vassals naman ang tawag sa mga taong nagkaloob ng serbisyo at nagbibigay proteksiyon sa feudal lords. Fief ang tawag sa lupa na ipinagkakaloob sa vassal bilang kabayaran.

Merkantilismo - sa 18th Century sinasabing unag umiral ang sistemang ito. Ang batayan ng kapangyarihan ng bansa ay ang dami ng suplay ng ginto at pilak. Ito ang simula ng mga pananakop at pakikipagkalakalan upang makalikom ng nga mahahalagang metal na ito. Hinigpitan ang kontrol ng pamahalaan sa pambansang ekonomiya upang matiyak ang suplay ng hilaw na materyales kahit abala ang mga merkantilista sa paglikom ng ginto at pilak.

Sosyalismo - ito ay sistemang pang-ekonomiya kung saan ang estado ang humahawak kumokontrol sa pangunahig industriya at ang mga mamamayan ay pinapayagan na mag may-ari ng maliit na negosyo maaaring pakialaman ng estado. Ang pagmamay-ari ng yaman sa kolektibong paraan ay ginagawa sa sistemang ito. Hangarin nito ang pagkapantay-pantay ng mga tao sa lipunan. Ang estado ang nagdedesiyon kung anong produkto ang makakabuti sa mga mamamayan.

Buod:
Basehan
Komunismo
Kapitalismo
Sosyalismo
·         Pagdedesisyon sa produksiyon
·         Pagmamay-ari ng yaman
·         Pakinababg

·         Pagpepresyo ng negosyo
Estado

Estado

Pagkapantay-pantay ng tao
plano
Indibidwal

Indibidwal/pribado

Tumubo

pamilihan
Estado/indibidwal

Kolektibo

Pagkakapanta-pantay ng tao
Plano/pamilihan