Martes, Pebrero 2, 2016

Sistemang Ekonomiya - ito ay sumasaklaw sa mga estruktura, institusyon, at mga mekanismo na batayan sa pagsasagawa ng mga gawaing pamproduksyon upang sagutin ang mga pangunahing katanugnang pang-ekonomiya. walang perpektong sistema kaya ito ay maaaring baguhin ayon sa pangangailangan ng ekonomiya.

Mga Uri ng Sistemang Pang-ekonomiya
Sistemang Pang-ekonomiya
Ano ang gagawin?
Paano gagawin?
Para kanino ang gagawin?
Tradisyunal
Ayon sa kinagawian, tradisyon, at gampanin
Naayon sa tradisyon at kinagawian
Nakasentro sa tradisyon ng pamilya at mga tribo
Command
Pinagpapasyahan ng estado
Ayon sa estado
Ayon sa estado
Market
Pinagpapasyahan ng indibidwal ayon sa merkado
Ayon sa indibidwal
Ayon sa indibidwal


Komunismo - isang sistemang pang-ekonomiya (command) kung saan ang estado ang nagmamay-ari at kumukontrol sa yaman ng bansa at produksyon. Ang pagsagot sa mga suliraning pang-ekonomiya ay naayon sa planong pang-kabuhayan ng pamahalaan na isinasagawa ng isang central planning board.

"Classlesss society" - isang lipunan na walng uri, walang mayaman at mahirap. makakamit lamang ito kung magtatagumpay ang "ploretariat" o mga manggagawa sa pamamahala ng produksiyon.
Sa kasalukuyan, wala pang nakarating sa "full communism", ito ay dahil hindi parin nakakamit ang classless society.

Kapitalismo - isang sistemang pang-ekonomiya (market) na ang pagmamay-ari ng yaman at produksiyon ay nasa kamay ng mga indibidwal at pribadong sector.

Pyudalismo - ay may kinalaman sa pagmamay-ari ng lupa. Pinagkalooban ng lupa ang mga taong naglingkod sa feudal lord, ang tawag sa nagmamay-ari ng lupa. Vassals naman ang tawag sa mga taong nagkaloob ng serbisyo at nagbibigay proteksiyon sa feudal lords. Fief ang tawag sa lupa na ipinagkakaloob sa vassal bilang kabayaran.

Merkantilismo - sa 18th Century sinasabing unag umiral ang sistemang ito. Ang batayan ng kapangyarihan ng bansa ay ang dami ng suplay ng ginto at pilak. Ito ang simula ng mga pananakop at pakikipagkalakalan upang makalikom ng nga mahahalagang metal na ito. Hinigpitan ang kontrol ng pamahalaan sa pambansang ekonomiya upang matiyak ang suplay ng hilaw na materyales kahit abala ang mga merkantilista sa paglikom ng ginto at pilak.

Sosyalismo - ito ay sistemang pang-ekonomiya kung saan ang estado ang humahawak kumokontrol sa pangunahig industriya at ang mga mamamayan ay pinapayagan na mag may-ari ng maliit na negosyo maaaring pakialaman ng estado. Ang pagmamay-ari ng yaman sa kolektibong paraan ay ginagawa sa sistemang ito. Hangarin nito ang pagkapantay-pantay ng mga tao sa lipunan. Ang estado ang nagdedesiyon kung anong produkto ang makakabuti sa mga mamamayan.

Buod:
Basehan
Komunismo
Kapitalismo
Sosyalismo
·         Pagdedesisyon sa produksiyon
·         Pagmamay-ari ng yaman
·         Pakinababg

·         Pagpepresyo ng negosyo
Estado

Estado

Pagkapantay-pantay ng tao
plano
Indibidwal

Indibidwal/pribado

Tumubo

pamilihan
Estado/indibidwal

Kolektibo

Pagkakapanta-pantay ng tao
Plano/pamilihan



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento